Sunday, March 6, 2011

Kris


Kris, Ang Sandata Ng Mga Lutao
Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus Adjacentes
ni Francisco Combes, SJ
Si Socsocan ng Basilan ay isa sa pinaka-sikat sa mga pinuno niCorralat. Nakaibigan niya ang mga Español na tinulungan niya bilang pinuno ng mga Lutao sa hukbong Español. Sinabing ang pangalan niya ay katumbas ng “ang sumasaksak sa kuta o pangkat ng mga kalaban”... Sicapitan Gaspar de Morales ay nahirang na admiral ng hukbong dagat ng Español sa Jolo, matapos siyang sumikat sa digmaan sa La Sabanilla at sa Jolo, kung saan siya nasugatan nang malubha. Ginawa siyangcommandante, tapos governador ng kuta sa Jolo. Sikat sa giting bilang sundalo, sira siya at sukdulang makasalanan bilang governador. Sa kanyang pangahas at libog, dinukot niya ang anak na babae ni Dato Salibansa. Naghimagsik ang mga tagapulo at ito ang simula ng 200 taon ng pagka-hiwalay ng Jolo mula sa ibang kapuluan ng Pilipinas ...     --Wenceslao E. Retana, 1897

Ang karaniwang sandata ng mga katutubo ay ang pilipit na patalim na tinawag nilang “kris.” Ang talim nito ay may mga palamuti at maganda. Anghawakan (puño, hilt) ay karaniwang inukit na buto (marfil, ivory) subalit para sa mga mayaman at mga pinuno, ito ay gawa sa ginto, nilalagyan pa minsan ng mga alahas at mgamamahaling bato (piedra, gems). Lubhang hinahangaan ang mga ito. May nakita ako minsan, sukbit-sukbit ni Socsocan na panginuon (lord) ng Samboangan (ang Zamboangangayon) nuong salakayin at sakupin ng ating hukbong Español. Sinabing ang halaga ng kris na iyon ay katumbas ng 10 alipin (esclavos, slaves).

1 comment:

  1. In Mindanao they use kris or all we know a sword to protect themselves against their enemy.Its usually for them to have a sword.

    ReplyDelete